Hans Sy: tiwala sa kanyang patuloy na pamumuhunan sa Tsina; SM Tianjin, bukas na

2016-12-21 17:49:49

Nitong weekend nagbukas ang pinakamalaking SM Mall sa buong Tsina. Ito ang SM Tianjin. Nanguna sa soft opening walang iba kundi si Ginoong Hans T. Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings.

Alok ng pinakabagong SM na makikita sa Binhai New Area, malapit sa Tianjin Free Trade Zone ang subok naiibang shopping experience na napapaloob sa konseptong “All For You.”

Si Ginoong Hans T. Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings

Si Ginoong Hans T. Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings

Gaya ng ibang mga SM Malls ito ay may SM Department Store, discovery park, theme shops, restaurants, Family Entertainment Center, makabagong sinehan at tindahan ng kilalang mga brands sa Tsina.

Pinaunlakan ni Ginoong Hans Sy ang programang Mga Pinoy sa Tsina ng CRI Serbisyo Filipino ng exclusive interview.

Si Hans Sy (gitna) kasama ang CRI Filipino Service Team. 

Si Hans Sy (gitna) kasama ang CRI Filipino Service Team. 

Sa panayam ni Mac Ramos kanyang ibinahagi ang sikreto ng kanyang tagumpay. Sinabi niyang 3 bagay ang mahalaga: Stay focused. Stay hungry. Stay humble.

Paliwanag niya dapat malinaw ang hangarin at hindi dapat hayaan na maging balakid ang hamon. Kailangan handa kang karapin ito at patuloy na tupdin ang iyong mga pangarap. Kapag napasakamay ang tagumpay, manatiling mapagkumbaba.

Pakinggan natin ang damdamin ni Hans Sy sa kanyang bagong proyekto, kalagayan ng relasyong Pilipino-Sino, pagpapahalaga sa kapaligiran at mga balak pa sa hinaharap.

Si Stephen Tan, Senior Vice President ng SM Supermalls.

Si Stephen Tan, Senior Vice President ng SM Supermalls.

Samantala sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Stephen Tan, Senior Vice President ng SM Supermalls na lubos na pinahahalagahan ng SM ang sining. Kaya kasabay ng soft opening ng SM Tianjin inilunsad din ang exhibit ni Chen Xiao isang artist na mula sa New Zealand. Sa panayam kanya ring ipinaliwanag ang ideya ng experiential malling ng SM. Ang buong panayam ay mapapakingan sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino
网站地图 申博娱乐注册 太阳城登入 太阳城申博官网 百家乐登入网址
菲律宾太阳城申博66 申博游戏下载 申博游戏代理登入 菲律宾申博在线正网官网
百家乐登入网址 申博游戏下载 太阳城申博官网 申博真人游戏
申博太阳城登入 澳门银河赌场 申博代理开户 申博娱乐手机登入
申博官方网址 申博百家乐 申博游戏登入不了 百家乐真人游戏